Tags

, , , ,

Minsan, ang hirap ipaglaban yung mga bagay na alam mong tama kapag karamihan ng mga taong nasa paligid mo hindi naniniwala sa bagay na ipinaglalaban mo at mas mahirap kung sila mismo itinuturing kang kaaway o kalaban ng prinsipyong gusto mo sanang ishare sa kanila kasi alam mong iyon ang tama at makakabuti sa lahat. Masakit lang isipin na kaya nagkakaganito ay dahil sa self-interest ng bawat isa. I know we have egotistic necessity but  everyone should also know how to control that necessity kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon resonable ‘to.

I am now struggling to fight for my right as a student. What’s hurtful is yung right na gusto mo sanang malaman ng bawat estudyante kaya mo ipinaglalaban ay ang nagiging rason kung bakit ka nila kinaiinisan o kinagagalitan o kinamumuhian kung ganun nga. Ginagawa ko ‘ to hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng classmates ko. Alam kong walang natututo ni-isa sa amin. Hindi ako bulag para hindi ko yun malaman at hindi ako bingi para hindi ko marinig ang mga reklamo ng mga estudyanteng naging teacher ang taong ito. But that doesn’t the only one which totally bothers me. What I am worried about ay yung pinag-iinitan niyang kaibigan ko. From the fact na hindi na nga siya nakakatulong sa mga estudyante, bakit kelangan pa niyang ibagsak ang isang taong minsan lang nakagawa ng hindi naman nakakamatay na kasalanan sa kanya? At bakit pa niya kelangan i-brain-wash  yung mga utak ng classmates ko para lang makuha yung mga suporta nila?

I wouldn’t tell the story here. I respect my friend’s privacy. He already admitted his mistake. Alam niyang mali yung ginawa niya and he is ready to face the legal consequences he might receive from the Disciplines Office. However and surprisingly, hindi nagsampa ng kaso yung teacher ko but that was the start of an “onerous” college life to him. He started telling the class na sana hindi na lang pumasok yung kaibigan ko para hindi maapektuhan ang lahat. Hindi ko alam kung pananakot ‘to but he told the class this “Kapag pumasok siya, magbibigay ako ng pang-CPA na exam!”. Sympre as students, ayaw naming nahihirapan kaya ang initial reaction ng mga classmates ko “sana hindi na siya pumasok, sana wag na siyang magpakita.” And from there they started treating him as someone na “salot” sa class. Parang everyone wants to kick him out of the room. Kulang na lang ipagpagdasal nila na sana ‘wag na siyang magpakita sa subject na yun.

I advised my friend na pumasok pa rin siya kasi karapatan niya yun. Hindi naman yung teacher ko o yung mga classmates ko ang nagbabayad ng tuition fee niya para pigilan siyang pumasok. Wala silang karapatan iconvince ako na iconvince siya na wag na pumasok para hindi sila maapektuhan. Pero naiintindihan ko why they’re acting like that. Kahit sino naman kasing estudyante gusto pumasa sa subjects nila. Ang nakakainis lang, bakit kelangang magbenefit yung mga classmates ko sa isang kasalanan? I mean, bakit kelangang gawing quiz ang isang madaling assignment habang hindi pumapasok yung kaibigan ko, bakit kelangang magbigay ng quiz habang wala siya, bakit hindi na magbibigay ng quiz o assignment ngayon pumasok na siya, bakit kelangang taasan ang percentage ng quiz at assignment porket hindi siya nakakuha, bakit kelangang taasan ang percentage ng attitude porket nakagawa siya ng mali, at bakit nagbibigay ng plus 10 or 20 points sa quiz at midterm exams ng walang matinong dahilan? Sabihin at ipaliwanag niyo nga sakin kung tama ‘to?

Before this incident happen, I posted here why I wanted to become a teacher. Lahat ng yun ay dahil sa kanya. Siya ang perfect example ng isang teacher na hindi dapat tularan ng kahit na sino. Sa nangyari at sa inaasal niya ngayon, mas pinatunayan lang niya sa akin na tama yung opinyon ko tungkol sa kanya. Hindi siya karapat-dapat tawaging teacher. Sinisira niya yung pangalan, dignidad, at reputasyon ng mga teacher na totoong naglilingkod para sa mga kabataan.

Kung gusto mong idisiplina ang isang tao, hindi mo siya kelangang pahirapan. Kung alam mo kung ano ang tama sa mali, hindi mo gagawin ang mga ‘to. Kung wala kang anak kaya hindi mo alam ang pakiramdam ng magulang kapag nakita nilang nahihirapan yung anak nila, sana irespeto mo na lang siya bilang tao. Matanda ka na. Kung meron mang dapat umintindi sa sitwasyon, dapat ikaw yun. Kung meron mang dapat nakakaalam kung ano ang nararapat na gawin, dapat ikaw yun. Teacher ka. Dapat alam mo kung anong makakabuti sa mga estudyante mo. Dapat alam mong anuman ang ipinapakita mo, yun ang natututunan ng mga estudyante mo. Dapat alam mong mas mahalaga ang ugali kesa sa grade na ipinapangako mo sa mga estudyante mo. Dapat alam mong ituro yung mga bagay na hindi kasama sa syllabus ng subject mo. Sana lawakan mo yung isip mo. Kahit ikaw nakagawa ng malaking kasalanan sa kahit na sino. Lahat naman tayo nakakagawa ng mali. Kung pinahirapan ka ng taong nagawan mo ng mali, dapat bang gawin mo rin yun sa taong nakagawa sayo ng mali gayung alam mo namang hindi ito tama? O kung hindi ka man pinahirapan, dapat bang ikaw ang magparusa sa taong nakagawa sayo ng mali? Ikaw ba naranasan mo nang mapahiya? Kung oo, sana maramdaman mo naman yung kahihiyan na nararanasan ng kaibigan ko ngayon. Kung hindi ka pa nakakaranas ng kahihiyan, sana naman hindi ikaw ang maging dahilan kung bakit may taong napapahiya ng sobra.

Sa mga classmates ko naman, sana alam niyo rin ang tama sa mali. Hindi niyo siya kelangang iplease para lang pumasa kayo. Nagbabayad  kayo ng tuition fee hindi para magpasikat sa kanya. Nag-aaral kayo para matuto ng mga bagay na dapat hindi para turuan kung paano mang-down ng kapwa. Kung meron mang bagay na dapat kayong matutunan ngayon, yun ay ang pagpapahalaga sa pagkatao niyo at hindi yun masusukat sa grade na makukuha niyo sa kanya kundi sa paninindigan at prinsipyo. Kung alam niyong mali ang ginagawa niya, bakit ninyo kinukunsinte yung mga ginagawa niya? Kung akala niyong tama siya, bakit may nasasaktan at may napapahiya? Malalaki na tayo kaya sana alam na natin kung paano manindigan sa alam nating tama. Hindi na dapat tayo nagpapadala sa pansariling kapakanan. Aanhin mo yung mataas na grade kung ito ang rason kung bakit merong taong bumabagsak?

Sana lahat tayo matuto dito. Kung lahat sana marunong umunawa, wala sana tayong taong natatapakan. wala naman kasing masama kung aaminin nating mali tayo e. Let’s all admit that we are sinners. Let’s admit our mistakes and from there start correcting it. Simulan mong magbago sa kung anong wala at mali sayo. Hindi nasosolusyonan ng kasalanan ang isa pang kasalanan at sana alam natin tong gamitin sa tunay na buhay.

Yan lang ang hinanakit ko. Sorry wala akong mapagsabihan kundi dito. Kung mabasa mo man ‘to, take this as an advice. Like what I said, admit your mistake and from there, start correcting it.

Advertisements