Tags

, , , , ,

Matagal nang isyu sa Pilipinas itong Reproductive Health Bill o RH Bill pero hanggang ngayon walang kasiguraduhan kung maisasabatas nga ba ito. A lot of people supports it but a lot too are against to it. Different views mula sa iba’t ibang tao ang naririnig kaya kung anu-anong isyu ang naglalabasan. Minsan kahit ako nalilito na kung sino sa kanila ang paniniwalaan ko, but still I try to hollistically understand what this RH Bill really is and what it can bring primarily to myself. Kaya whenever there is opportunity para mas malaman ko pa ang tungkol dito, kinukuha ko na. Like the recent HARAPAN: RH Bill, ipasa o ibasura? ng ANC and ABS-CBN.

The debate was very informative. Kahit papano may mga natutunan akong bago about this issue. But during the arguments, one of the speaker raised this question; mahirap ba ang Pilipinas kasi maraming tao? Bigla lang akong naguluhan kasi as far as I know, this RH Bill is to primarily help poor Filipinos for responsible parenthood hindi para sagutin ang kanilang kahirapan which during the debate e hindi naman pinabulaan ng pro-RH. In fact, a city representative who is pro-RH brought her calculator in the debate and on-air computed the expected annual spending of the government to one single classroom na umabot sa 8B pesos. Because of it, I assumed iniisip nga nilang maaaring sagot sa kahirapan itong pagpigil sa populasyon ng Pilipinas. Hindi pa kasama dian yung ilang mga basic na gastusin ng isang typical Filipino family. Naisip ko tuloy, hindi kayang maling pananaw ito?

Alam kong gumagastos ang gobyerno para matulungan ang mga mahihirap pero hindi naman ibig sabihin nun e kelangan na nilang sagutin ang halos lahat na gastusin ng isang pamilya. The government has a lot to consider in allocating its money kaya hindi valid na i-reason out na kaya may mga mahihirap ay dahil kulang yung budget na naaallocate sa sangkatutak na tao. Hindi lang naman kahirapan ang problema ng gobyerno at yung kahirapan na yun ay hindi lang dahil sa sobrang dami ng tao.

Maraming mahihirap kasi maraming nananamantala. Maraming mahirap kasi maraming kurakot. Maraming mahirap kasi maraming makasarili. Maraming mahirap kasi nagkakaisa ang mga mayayaman. Maraming mahirap kasi maraming nagpapayaman. Maraming mahirap kasi maraming tamad. Maraming mahirap kasi kulang ang trabaho. Maraming mahirap kasi maraming umaasa sa tulong ng iba. Maraming mahirap kasi maraming nawawalan ng pag-asa. At maraming mahirap kasi maraming taong mabababa ang tingin sa sarili nila. Pero maraming mahirap hindi dahil maraming tao. At naniniwala akong kaunti man ang tao sa Pilipinas, kung iilan lang ang nakikinabang sa pera ng bayan, 10 years from now, ganito pa rin ang sitwasyon ng Pilipinas.

I am pro-RH kasi naniniwala akong ang responsible parenthood ay responsibilidad ng bawat tao. But I am not agreeing to their premise that it WOULD be the solution to poverty, na kung mas kaunti ang tao mas uunlad ang bansa. Labor force is an asset. Kung marunong lang tayong gamitin ito ng maayos at naayon sa kagustuhan ng marami, one day people will realize that population has never been a problem. Ginagawa lang problema kasi walang magandang sistemang aayon dito.

I am hoping that one day, the issue of population and poverty will go on separate way. Wala sa dami ng tao ang problema, nasa tao mismo. Kaya kung nasa tao ang problema, nasa kanya rin ang sagot kasi siya mismo ang sagot sa problemang akala niya e matatapos dahil sa sinumang superhero na sasagip sa kanya.

Advertisements