Tags

, , ,

I just got my grades yesterday. Hindi siya satisfactory pero hindi naman mahirap tanggapin na ganun yung mga grades na nakuha ko. Una kasi alam kong ako ang gumagawa ng grades ko. Pangalawa, sa tuwing nakikita ko ang mga grades ko, meron akong mga napupulot na aral na sana e matutunan din ng iba pang mga estudyante.

Sa pagkakatanda ko, never pa akong nagreklamo sa mga naging teacher ko tungkol sa grades ko. Hindi ako naglakas-loob na tanungin kung bakit ganung LANG yung nakuha ko kasi alam ko namang walang dapat na ibang sisihin kundi ang sarili ko lalo pa kung alam kong reasonable yung mga grades na nakuha ko. Never akong nagmakaawa o namilit sa mga teachers ko na taasan yung grade ko. Lahat ng nakuha ko only reflects kung anong performance ang ipinakita ko. Parang salamin. Hindi puputi sa salamin ang isang taong maitim.Β 

And I know that. Kung alam kong ganito lang yung effort na binigay ko, bakit ako maghahangad ng mataas na grade. Ipokrito ang taong magsasabing minamagic lang ang grade. Walang grade na namagic pero merong grade na dinaya. At kung dadayain mo ang grade mo, para mo na ring dinaya ang sarili mo sa pag-aakalang grade ang basehan para galangin at tingalain ka ng mga estudyanteng nasa paligid mo o ipapaniwala ang sarili mo na dean’s lister ka kahit alam mong hindi naman.

Iba nga naman kasi ang pakiramdam ‘pag nakita mo yung buo mong pangalan na nakapost sa registrar’s bulletin board. Iba kasi yung dating kapag alam ng mga classmates mo na DL ka. Aside from early enrollees at certificates, sino bang hindi magiging proud sa sarili niya? Pero mas masarap maging DL di ba kung alam mong pinaghirapan mo. Mas masarap makita yung pangalan mo sa bulletin board kasi alam mong lahat ng pagod mo, worth it. At mas masarap makapasa kung alam mong meron kang bagong natutunan.

Sabi nila natural na raw maging bitter ang mga estudyanteng nawala sa pagiging DL. Kesyo ‘hindi naman importante ang pagiging DL’, na ‘mas importante pa raw ang makapasa kesa maging DL’, na ‘hindi naman daw siya naghahangad maging DL’. Oo, maraming rason paghindi mo nagawa. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Pero sa totoo lang, may mga punto naman sila. Bonus na lang sa pagiging estudyante ang makatanggap ng certificates, achievements o mga recognitions. Ang main reason naman kung bakit ka nasa skul ay dahil gusto mong matuto at gusto mong malaman ang kahalagahan ng buhay. Ngayon kung gusto mong dayain ang grades mo para lang maging DL, sa tingin ko hindi na tama yun. Kung ang iba nag-aabang ng bonus points sa isang test, ikaw gumagawa ng paraan para maging bonus ang ilang items.

Katulad ng palagi kong sinasabi, hindi naman basehan ang grade para idescribe kung anong klaseng tao ka. Kung merong isang bagay na dapat malaman ang isang estudyanteng katulad ko, siguro ito ay ang kahalagahan ng kanilang sariling pagkatao. Sabi nga ni Bob Ong, ‘kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakapagtataka kung bakit marami ang namamatay nang mangmang.’Β 

Sinasabi ko ‘to dahil na rin sa mga estudyanteng nakita ko nung kinuha ko yung mga grades ko. Gusto ko lang malaman nila kung ano ba talaga yung purpose ng pagbibigay ng grade at kung ano ang purpose ng pag-aaral. Siguro iniisip mo na hindi ako ang tamang tao na magsabi nito pero may pinipili bang tao para sabihin ang mga ito?

Advertisements