Tags

Sana ang buhay parang computer programs. PWede mong irestore ang default programs o ireset kahit kelan mo gusto lalo na kapag marami ka nang nabago. PWede mo ring iformat kapag puno na yung memory o kaya kapag infected na ng maraming viruses. Kung ganito lang sana, hindi ko na kelangan magmuni-muni pa sa mga viruses at programs ng buhay ko. Hindi ko na kelangang problemnahin pa kung ano ang pwede pang mangyari bukas. Idelete ko lang lahat, magiging okay na uli ako.

Sana ang buhay parang cellphone. Kapag ayaw mo na, pwede mo nang palitan. Kapag wala kang katext, maglalaro ka na lang ng snake o ng bounce. O kaya kukulitin ang prepaid info na magtext sau kahit alam mo namang wala kang load. Kung ganun lang sana, hindi na ako mabobored sa buhay ko. Kung pwede lang kulitin lahat ng tao sa paligid ko para sumaya ako gagawin ko.

Sana ang buhay parang TV na kapag ayaw mo na ng palabas na pinapanood mo, pwede mong ilipat ng channel marami pa namang channel ang pwedeng panuoran. At pwede ring isleep kapag gusto mo pang manuod pero pagod na ang mga mata mo. o kaya patayin na lang agad kapag wala ka nang nakikitang maganda. Kung ganun lang sana, hindi ko na kelangang magtagal sa mga nangyayari sa buhay ko. Kapag naramdaman kong hindi ko na gusto, maghahanap ako ng channel para mag-enjoy ulit sa buhay ko o kaya patayin na lang para magpahinga at balikan kinabukasan.

Sana ang buhay parang DVD Player. Papatugtugin mo lang yung mga kantang gusto mong marinig. Kapag ayaw mo ng kanta pwede mong ilipat. At kapag tapos na, pwede kang magsalang ulit ng bago. Kung ganun lang sana, hindi ko na kelangang pakinggan yung mga bagay na ayaw kong marinig. Pindutin ko lang ang next, ayos na. Hindi na rin kelangang magtapos ang mga yun kasi pwede namang magpatugtog ulit ng bago o kaya ulitin na lang kung ano na yung narinig ko hanggang pagsawaan ko.

At sana ang buhay parang editing tools. Pwede mong i-undo ang mga maling bagay na nagawa mo  O i-redo kapag tama naman. Pwede ring i-copy mula sa iba yung mga gusto mong gawin at ipaste sa sarili mong buhay. Pwede ring i-cut kapag gusto mong tanggalin yun sa nakaraan at ipaste sa buhay mo ngayon para mangyari ulit at matama mo ang mali. Kung ganun lang sana, kahit kelan ko gusto, pwede kong i-edit ang buhay ko. Pwede kong idelete ang lahat ng ayaw kong maalala at lahat ng problema ko. At pwede kong ipaste ang mga bagay na gusto ko lang mangyari sa buhay ko.

Kung ganito lang sana ang buhay, wala nang taong malulungkot. Hindi na siguro uso ang salitang ‘depress’. Lahat siguro masaya kasi pwede nang imanipulate ang buhay. Pero kung ganun, nasan na ang challenge ng buhay?

Gusto kong maglibot kung saan-saan pero ayaw kong lumabas ng bahay. Gusto ko ng tahimik ng buhay pero nakatira ako sa maingay na lugar. Ayaw kong meron akong ginagawa pero ayaw ko rin namang nabobored. Ayaw ko ng weekends, pero mas ayaw ko ang weekdays. Ewan. Magulo na talaga buhay ko. Sana ang buhay katulad na lang ng mga sinabi ko! :|

Advertisements