Tags

,

Official Logo of Aral Pinoy

One of the things that I want to do in life is actually to somehow inspire friends and peers to become goal-oriented and have direction in life through my thoughts and experiences and lessons I’ve learned from it. Though at some point I tend to consider myself not a deserving model for them, I still try to be the best I could be for them to appreciate the effort I was trying to show and to also acquire rightfully my message to them. Through writing, I know meron akong magagawa. And God is giving me a way to do it.

My professor, back almost a year ago, made me an administrator of his facebook page Aral Pinoy. It is a non-stock, non-profit organization registered under the laws of the republic of the Philippines. It is dedicated to education for life-living relationship. (for more info about Aral Pinoy, just click on the link).

Actually hindi ko alam ang gagawin ko. Yeah, I’ve been moderating few pages and groups but this is different. It’s a serious matter. Ayaw kong magkamali sa pagkakatong ‘to dahil ayaw kong masira yung tiwalang binigay sakin ng professor ko. Alam kong sa bawat ipopost ko, dapat sigurado akong students and other teens will have something to gain, and have something to absorb with. Hindi yung kung anu-ano lang. At isa pa, I don’t wanna mess up the reputation of the organization, and the reputation of the owner himself.

Despite of that anxiousness, I was still glad that someone has recognized my will of inspiring youth. Ang sarap sa pakiramdam na may sumusuporta sayo sa mga bagay na alam mong makabubuti sa iba. Kahit alam kong hindi pa ako molded enough para humarap sa lahat, ngayon pa lang meron na kaagad taong umaasa sa sarili ko na ipagpatuloy yung mga hangaring gusto kong matupad. Isn’t a blessing? Mas lalo lang tuloy namulat yung isip ko na, hindi na ‘to isang laro na kapag ayaw ko na, susuko na lang ako. This must be something new, a better one and a better start, in fact.

Hindi ko sinasabing perpekto akong tao o taong walang problema sa buhay para maging modelo sa sinumang kabataang bumabasa at makakabasa nito. Hindi ko rin sinasabing magaling ako sa lahat ng bagay. My point is, at least I know myself that I have visions in life and I am, right now, on the right lead. Naalala ko tuloy yung parating binabanggit sakin ng kaibigan ko. sabi niya may dalawang klase lang ng tao dito sa mundo: one is taking part on the problem of the society and the other is making a solution to the problem of the society. Kung hindi mo alam where to be at, then you’re just adding in to the problem of the society. So what does this mean? Marami nang problema ang mundo. Kung dadagdagan mo pa o kung hindi ka makikialam, do you think may magbabago pa sa atin after 10 or 20 years from now? E sa ilang bilyong tao sa mundo at kung sakaling karamihan ay maging part ng problema, may nakikita ka pa bang pagbabago? Kaya nga sinasabing kong magsimula ka sa sarili mo, and surely the rest will follow.

Ika nga ni Gandhi, be the change you want to see. I know with Aral Pinoy, nagsisimula na ako. And I am so thankful na binigyan ako ng ganitong pagkakataon. Atleast hindi ko na lang basta-basta pina-publish yung mga sinusulat ko for unknown readers o isipin pa kung meron nga ba talagang nagbabasa ng mga blogs ko. Ngayon, in God’s grace, alam kong meron talagang purpose ang pagsusulat ko.

:)

Advertisements