Tags

, , , , , , ,

Hindi talaga ako mahilig pumunta ng sementeryo yearly. First reason, I don’t have anyone to visit, if there is hindi kami close. My lolo’s tomb naman was already removed from its place without our consent. Second, hindi nakakatuwa itsura ng sementeryo sa amin. I mean, sobrang gulo. And I was writing this ‘coz I just want to cite some instances kung bakit hindi ko feel nagpupupunta sa sementeryong yun though I was pleased to go there yesterday kasi ayaw kong maiwang mag-isa sa bahay! AWWOOOOO =))

Papunta palang kami parang gusto ko na umuwi. Sorry but I’m easily get irritated kapag basa yung daan. E sino ba naman kasing matutuwang hindi ka pa man nakakarating ng sementeryo puro putik na shorts at paa mo. And the hell??? Mas maputik kaya sa sementeryo so what will you be getting there? PUTIK???!! Hindi naman yun ang pinunta ko dun e.

At whoa, grabe dami ng tao. Kulang na lang resbakan mo mga bumabangga sayo e. E ayaw ko pa namang nakikipagsiksikan. And people seemed to be not considerate with others kaya basta dadaan at may gagawin sila, sorry ka kung maagrabyado ka. Kakainis. Nagsisi tuloy ako kung bakit sumama pa ako. Nakipagbonding na lang sana ako sa multo sa bahay, if there is, hindi pa hassle. Heart attack nga lang kapalit! =))

Anyway, ito lang napansin ko sa sementeryo. If we have now overpopulation, meron ding overpopulation ang mga patay. Kung saan-saan na lang nilalagay yung mga libingan. Hindi ko mawari kung anong klaseng lugar yun. Feeling ko dumpsite ng mga patay more prefered tawag dun e. Pinagpatong-patong na puntod, puntod na nilagay sa daan kaya tinatapak-tapakan na lang, puntod na sira, at bangkay na walang puntod!

It’s not so solemn. Parang palengke nga e sa sobrang ingay. At kahit saan ako tumingin, puro basura nakikita ko. Paano ka naman magluluksa sa ganung setting? Ang tanong kaluksa-luksa ba talaga? E sa sobrang badtrip mo baka ikaw na ang ilamay dun e. Aatakihin ka talaga sa puso!

Well, nakakaawa lang talaga yung mga puntod na binabalewala ng mga tao lalo na ng mga sarili nilang kamag-anak. No one has been taking care of them. The worst people tend to ignore them kaya nabubura o natatakpan na ng dumi yung kanilang mga lapida. While on that situation, I was really wondering kung ano kaya iniisip nila after nilang makita yung kalagayan ng puntod nila and after their memories are slowly fading away. Nakakalungkot lang isipin na it’s true that after your death, there would be time na makakalimutan ka rin ng mga tao sa buhay mo.

Pero sana wag naman nating hayaang mabaon sa limot ang mga tanong ‘to. Nakabaon na nga katawan nila pati ba naman alaala ibabaon mo pa?

Advertisements