Tags

, , , , ,

This term is the start of my major subjects. Medyo nangangapa pa sa hirap ng mga lessons at sa dami ng mga kakaibang pinagagawa ng mga professors. Although I know naman that its part of the curriculum and part of our soon-to-be profession. Medyo mabilis nga lang yung apporach nila maybe because of time constraint. 3 months lang kasi ang given time para ‘ma-master’ namin ang isang major subject (trimester kasi). Currently 2 ang major subjects (and 2 yung feeling major subject, epal lang) ko and I should take this seriously or else sinayang ko lang yung time ko sa college na ‘to.

One is DSKDEV1 (Desktop Application Development 1). It’s simply windows application programming. At sino ba ang hindi nahirapan sa programming? Ako! Hindi siya mahirap kasi copy-paste tandem ang ginagawa namin. Ewan ko ba parang hindi ako natututo sa professor ko. Although medyo nag-eenjoy naman ako kapag nagra-run yung application. Pero kahit na, ang tanong e may natutunan ba ako? So far mukhang wala e.

Actually medyo naiinggit nga ako sa classmate ko na zero or perfect yung mode of exam e. Meaning to say, kapag nag-run yung program, tumataginting na 100% pero kung hindi, sorry you’re the weakest link! Mas maeenganyo pa ako mag-aral kung ganun. Syempre ayaw kong bumagsak no at ayaw kong magrepeat or else mapapatalsik ako sa eskwelahang ‘to.

Kaya nagseself study na lang ako sa bahay para kahit papaano e matutunan ko naman yung mga pinagsasabi niya sa mga klasmeyt ko. You got it. Sa mga klasmeyts ko. E pano feeling ko out of place talaga ako sa class kong ‘to. Hindi ko kasi kasama yung block ko. E nataon pang yung napuntahan kong section e magkakasama na before. Badtrip! Isa pa, walang pakialam mga hinayupak kong klasmeyts. One time nga nung nagstart yung term, sa harap ako umupo para marinig ko at mas maintindihan ko yung lesson saka medyo malabo na rin kasi mata ko kaya ayaw ko sa likod. The second day, jeeez wala na akong pwesto, so I end up sitting at the farthest corner of the lab. So annoying!

Pero kung papipiliin ako kung ano ang mas gusto kong attendan na class I’ll choose programming rather than Systems Analysis, second major ko ngayon. DUH! Wala kaming ginawa kundi mag-activity. Mabuti sana kung my prof has given us enough time to work on the tasks. E hindi e, daldal siya ng daldal. So superfluous in explaining instructions. Kaya instead of having one and a half hour, nagiging 40 or 30 minutes na lang ang alloted time for us. So kami so cramming naman e hindi nga namin maintindihan yung activity kasi parang walang konek naman yung lessons niya. Plus my so pabigat na groupmates. Actually I can do the project myself. I don’t need their help ‘coz in the first place wala naman talaga silang naitutulong sa akin. I did almost all of the tasks. At ayaw ko nang umasa sa kanila ‘coz I already tried it and it ruined my day!

Sometimes, I tried to seek of other professor na mas magaling at mas strict para mas maintindihan ko yung lesson. To my surprise, 2 lang pala silang nagtuturo ng ganun. Yung isa, based from my friend puro reporting daw ang pinapagawa. Halos hindi na nagturo sa sobrang katamaran. Wala bang matino-tinong professor ang subject na ‘to? It bores me a lot!

Pero kahit hindi ako nag-eenjoy sa subject na ‘to, I’ve been seeing my future as a Systems Analyst. Ewan ko ba. It’s so ironic. I know I have a gut to be a programmer ‘coz somehow I have the talent to understand logic and make codes. Pero never ko talaga naimagine sarili ko sitting in my office in front of the computer busy translating my ideas into codes.

I remember a good friend of mine telling me na hindi niya makita sa personality ko na magstay sa isang place working on office stuffs. I’m more on field person, according to her. E kahit ako mas nag-eenjoy gumagalaw buong katawan ko e. (hey stop what your thinking! lol) Kaya nga I’ve said to myself na magiging Systems Analyst ako after college. (Malaki kaya sweldo nun?)

Although I’m not enjoying my class, I am still interested to what should I learn from it. Kinareer ko na nga e. I bought notebook to put all of the things I have learned from it so that when I am working as it, may guide ako para hindi magkamali. At least I have something to treasure of na makakatulong talaga sa future ko. Sana nga lang may matutunan ako at sana maapply ko sa future job ko.

So ironic. I have the talent yet I don’t see myself as programmer. So kahit na hindi ko gusto yung prof, basta magiging Systems Analyst ako someday, I’ll take the risk of it. It’s much worth investing for. :))

Advertisements