Tags

,

PAti picture walang konek! HAHAHA

Even before the first term ends, there are several activities that has already been lined up to my “So-artistahin” schedule. Minsan nga parang gusto ko nang umalis and take a leave as if i’m working in a company who can file leave of absence anytime (with still valid reason). Pero hindi ko pwedeng gawin yun ‘coz this is like a chess game– once touch, move!

Ang gulo talaga ng buhay ng tao. Kapag walang ginagawa gustong may gawin, and once nandian na ang trabaho reklamo naman ng reklamo. Parang kapag gusto mo matulog hindi ka makatulog pero kapag ayaw mo muna matulog, puputaktihin ka naman ng antok. O kung sa lovelife, kapag gusto mo ayaw sayo, kapag ayaw sayo gusto mo! Ang gulo no?!

That is why I don’t believe life is really fair and unbiased and balance. Kung sadyang malas ang kapalaran sayo, sorry pero siguro tulog ka nung mga panahong nagsaboy ang Diyos ng swerte sa tao. Tatamad-tamad ka kasi e kaya wala kang mapala. Tignan mo yung mga taong kahit disoras ng gabi nagtatrabaho?(I’m not pertaining to wary works or the midnight appointees!) Sila ang mga taong malakas ang signal kay Lord kasi laging mulat mata nila para sa kanilang kapalaran. E ikaw? Wala kang ginawa kundi magpakasarap sa hirap!

Actually, sinulat ko ang blog na ‘to just to update my fans (lol) about my recently attended school activities. Ewan ko ba kung bakit habang nag-iisip ako ng words to start on my succeeding paragraph bigla kitang naisip. Kaya kung mapapansin mo walang konek yung introduction ko to other paragraphs. Mas kelangan mo siguro ang sermon ko kaya ko naisip na sulatan ka. Don’t worry, I’ll try my best to connect this kaepalan to the whole composition.

Just yesterday, may kumatok sa bahay at nanghihingi ng limos. Biglang sumimangot si mama sabay sabi sakin “turuan mo nga yan magtrabaho!” Despite of that, binigyan niya pa rin ‘to. HIndi ko alam kung maaawa ako sa mamang yun dahil wala siyang pera o medyo mababadtrip dahil panlilimos lang ang kaya niyang gawin. And then I asked myself, bakit kaya may mga taong nanlilimos? Dahil kaya ‘to sa sinabi ko kanina na wala sila nung mga panahong nagsaboy ang Diyos ng swerte? Hindi naman kasi siguro sila magiging ganun kung simula’t sapul mulat na mga mata nila sa mga bagay na dapat nilang gawin para hindi sila magkaganun. Kaya nga naniniwala akong life is really unfair.

Nagkaroon pa ng mayaman at mahirap kung sasabihin nating life is fair. E from that distinction makikita mo naman kung gaano kalayo ang agwat ng mayaman sa mahirap. This is so extreme! Admit it. Pero i’m not saying that poor has to be poor in his entire life. That is the challenge. I believe lahat ng mahirap kayang bumangon at lumipad (grabe lumalalim mga salita ko!). Pero hindi mangyayari yun kung hindi ka gagalaw. Mahirap macomatose dude! Pagsisisihan mo rin yan pagpatay na alaga mong kuto.

Nasa huli ang pagsisisi sabi nila. Pero I bet hindi pa man huli ang lahat nagsisisi ka na, Tama? Akala mo kasi porket mahirap ka katapusan na ng buhay mo sa mundong pinagbubuntunan mo ng sisi. Hoy walang buhay yan! ‘Wag mong isisi sa mga walang muwang na bagay ang kabugnutan ng kapalaran mo. In the first place ikaw naman talaga nagpapahirap sa sarili mo e. Wag mo sabihing yung mga kurakot na pulitiko ang nagpapahirap sayo. Dinagdagan lang nila yang buhat mo pero sa totoo lang may choice ka kung gusto mo sumali sa kaguluhan nila.

Kahit sabihin mong apektado ka ng mga kalokohan ng mga gahamang congressmen at presidente, may choice ka para hindi masyadong maapektuhan. Kaya naniniwala akong life is bias. Anuman yang pinaggagawa mo sa buhay mo, pinili mo yan. Tulad ng sinabi ko marami kang choices pero dahil siguro sa katangahan mo, pinili mo yang ganyang buhay. Naging bias ka sa buhay na akala mo e mas okay bigyan ng pansin. Yan tuloy kelangan mo ngayong magpapansin sa akin para lang masermunan kita ng ganto.

Ewan ko ba sa’yo. Pareho lang naman tayo ng ginagalawan pero bakit nailayo ko naman sarili ko sa ganyang kalagayan. Naranasan ko rin kayang hindi kumain sa isa o dalawang araw. O ilugaw ang kanin para lang may makain sa buong araw. O kaya mag-isip ng iba’t ibang luto ng itlog para lang hindi ako magsawa sa kinakain ko. O bumili ng matigas na tinapay para makatipid at may maipambili pa ako ng iba pang kelangan ko. Naranasan ko ring pumasok ng school nang walang baon no. Minsan nga pumapasok pa ako ng school kahit hindi ako nagsabon habang naliligo dahil walang sabon o shampoo. Ang lagkit sa katawan pero dahil gusto kong pumasok okay lang medyo mabango naman ako e.

Hindi man ako naging physically healthy, naging malakas naman ako sa buhay ko. Kaya nga life is not balance. Hindi mo pwede sabihing kaya hindi ka pumasok ng school dahil wala kang baon. Hindi proportion ang baon at attendance. Pwedeng mawala ang baon kahit nasa school ka. Pero wag na wag kang hihingi ng baon tapos wala ka naman sa school. Bad yan! Mas lalo ka lang magkakanda-leche-leche.

Balance balance ka dian, So what kung lalaban ako? kaya ko naman e. So pwede pa rin akong magtagumpay. try mo!

O di ba ang creative ko!

LABAAAAN! :))

Ika nga nila, kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot. Naku alam ko nakokornihan ka sa linyang yan. Kaya gumawa ako ng modernize version. ‘Kapag maiksi ang kumot, matutong maghanap sa cabinet! Dun marami. Wag kang tatamad-tamad!’ O ayan alam ko tumawa ka kahit papaano pero wag mong jinojoke yan. Seryoso ako dian. Maraming paraan! wag ka lang magtiis kung alam mong may magagawa ka para hindi mamaluktot!

Wala pa ako sa gusto kong marating pero alam ko papunta na ako dun. E kung ginawa mo na to noon pa, baka nga maunahan mo pa ako e. Ikaw kasi e dami mo arte sa buhay samantalang wala kang karapatang mag-inarte dahil pinagkaitan ka nga ng kapalaran di ba? Hindi naman lalapit sayo ang swerte e. Ikaw ang hahanap sa kanya kasi gusto niya bigyan mo siya ng pansin. Medyo papansin din kasi yun e. Pa-hard to get feeling artista. Pero sana die-hard fan ka niya para kahit san man siya pumunta, sumusunod ka. Aminado naman akong patay na patay ako sa kanya e. Kaya nga pagod na pagod ako kakahabol sa kanya e. Pero hello??? updated naman ako sa mga binibigay niya. kaya ikaw kung hindi ka tutulad sakin, mamatay ka sa inggit!

Sana naliwanagan ka na. Nasasayo kung anong buhay ang gusto mo. Wag mo akong sisisihin kung wala akong pinayo sayo ahh. Loko ka may ebidensya ako. Pero sana kung nakinig ka sa payo ko at yumaman ka katulad ni Henry Sy, balatuhan mo ako ah! Maaasahan ko ba yan?

Thank you sa pictures:
http://www.philippinerevolution.net/cgi-bin/ab/text.pl?issue=20070707%3Blang=pil%3Barticle=06
http://palipasan.blogspot.com/2009_09_01_archive.html

 

Advertisements