Tags

, , , , , ,

Yesterday, I decided to go to Tri Noma to meet with a friend and buy my stuffs for today’s immersion at Hacienda Luisita. My only way of going there was to travel MRT ‘coz I have no choice although I’ve expected what might happen while I’m inside the train. (read )

Ticket booths are full and almost the entire area were loaded– which means there were lot of passengers. While on the line to buy my card, nag-isip na ako kung saan yung best way na maupo para hindi hassle habang nasa loob ako since I will be going to the other end of the line. I thought of sitting anywhere where there were seats or tumayo na lang sa pinakasulok ng tren. To my surprise, pag-baba ko ng hagdan ang dami ng tao waiting for the next trip. HUh? E ano pa yung mga nasa itaas? And the train came.

Halos hindi na makalabas yung mga bababa dahil sa kagamol ng mga taong gustong sumakay. Taft Avenue Station pa lang halos puno na yung buong train, and there were still more than 10 stations before reaching North. My plan were totally wasted. Seats aren’t enough for everyone and instead of standing in a corner of the train, I end up welcoming people at the threshold.

Magallanes station. Grabe, we looked like sardines. O mas maswerte pa nga ata yung mga isdang nasa lata e kesa samin dahil hindi ka makakagalaw kung hindi mo pupwersahing hatakin ang kamay mo pataas at mahampas ang katabi mo. Buti na lang hindi pikon yung mga katabi ko ‘coz I was trying to save my ironed-white shirt. HEHEHE

The guys beside me were keep on booming to not enter the train. Obvious bang wala nang pwesto? Ang gugulo rin kasi nung iba e. Ipagpilitan ba ang sarili e wala na ngang pwesto. When the warning buzzer hum, may isang pasaway na pasahero na nagpupumilit pumasok. He’s keep on pleasing everyone to move inward para makapasok siya. “Unti na lang, unti na lang” as what he said. Hala, ang kulit! And I hear a sound of medyo oldies na lalaki and shouted “Itulak niyo palabas, Itulak!” HAHAHA. Kahit medyo nag-iinit na ulo ko dahil sa sobrang sikip napalaughtrip ako kay manong. Much more when everyone really followed his instruction. Itinulak talaga nila palabas. HAHAHAHA

Okay success ang unang misyon. Next station Ayala. Hindi pa man nakakabukas yung pinto naghihiyawan na ang mga magugulo kong katabi. “Bawal na po pumasok wala nang pwesto!”. Gusto ko sana sumagot bakit pag-aari niyo tong MRT? HAHAHA. Kaya lang twas also for my own good. There’s no really space for other passsengers. E halos magkapalit na nga yung mukha ng bawat isa e. At sa sobrang siksikan, I wasn’t able to reach the straps or the bars to balance myself para hindi malaglag. Fortunately, dahil sa sobrang siksikan at sa kapal na rin  siguro ng mukha ko, sumandal na lang ako sa taong nasa likod ko. O di ba petiks! HAHAHA

Next station came. Kapal ng mukha nung isang loko. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto bigla  ba namang sumigay “WAg niyo akong salubungin, hindi ko kayo kamag-anak!” HAHAHA. Although I already knew that joke, bumenta pa rin siya sakin kasi hindi lang talaga basta joke yun e, inapply niya pa sa  totoong buhay! HAHAHA. Hanep! I salute you men. Keep it up! WAAAA

Other stations were passed by. I was expecting almost all of the people to depart from place at Shaw Boulevard. And it did happen. But what I didn’t expect was that there were, too, a lot of people board in that station. Nawala man yung mga kolokoy kong katabi nadagdagan naman ng mas marami pang tao. Hay buhay! (Update: Yung Shirt ko  gutay-gutay na!)

Pero hindi dian natapos ang kakatuwang araw na ‘to. When the train was in Santolan, nagulat na lang ako biglang nagbubulyawan ang mga tao.  And you know what they are yelling? “DEPENSA, DEPENSA!!!” After a minute, nag-level up! “DEFENSE, DEFENSE!” HAHAHAHA. Ginawang basketball ng mga mokong ang MRT ah. Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa dahil sa mga lokong to. Feeling ko tuloy nasa WOW MALI kaming lahat e! HAHAHA.

Last one sa Cubao. HIndi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya e. Nung nasa Cubao na yung tren, she was about to leave. Kaya lang dahil sa sobrang dami ng tao sa loob at labas, hindi na siya makadaan. And what she’s asking? “SAGLIT LANG PO. MAY LALABAS PO. sAGLIT LANG PO! PADAAN PO!” At may biglang nagreact “O may nagmamakaawa na dun ah!” HAHAHA. Grabe feeling ko tuloy ang sama ko sa pagtawa ko sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung nakalabas siya ng buhay sa tren e. tsktsktsk

Anyway, I just realized na para akong naging bola sa trip na yun. Remember nasa harapan ako ng pinto ng tren. E dahil functional the both doors (unlike LRT) paatras ako ng paatras sa tuwing may sasakay. Okay lang sanang mapunta sa kabilang dulo e kaya lang dahil nga close-open yung two opposite doors, left-right left-right tuloy yung katawan ko. Pasalamat sila payat ako at nakikiride lang sa agos ng tao. naku pagmalaki na katawan ko, babalikan ko kayong lahat! waaaa. Babangon ako’t dudurugin kita! WAAHAHAHAHA.

This is really a great experience in  MRT. This is really my first time na hindi na badtrip sa pagsakay ng tren dahil sa sobrang siksikan. Although mainit at mahirap gumalaw, nag-enjoy ako sa mga punchline ng mga kasama ko sa tren na yun kahit hindi ko sila kilala. This only proved that Pinoys are really happy people! Woohoo SAYA! :))

Advertisements