Tags

     February pa lang sinabi na ng ate ko na magbabakasyon kami sa probinsya ng asawa niya, sa Luisiana Laguna. Well, this is our third time to go there and I must admit that it is a place where I really looked for. Maganda sa lugar na iyon. Ibang-iba sa mga napuntahan ko.
     Although alam ko namang pangatlong beses ko nang makakapunta doon, tinanong ko pa rin sa ate ko ang question na lagi kong tinatanong tuwing aalis kami. “Ilang oras biyahe?” Paano ba naman til now hindi pa rin ako makapaniwala na limang oras biyahe papunta sa probinsyang yun. At hindi pa ako nakuntento sa isang tanong dahil paulit-ulit akong nagtatanong kung kani-kanino. Umaasa kasi akong lalapit yung lugar na iyun.
     Ayaw ko naman kasing magbiyahe ng matagal. Hindi ako yung tipo ng taong sanay magbiyahe ng matagal. Wala naman kasi ako sa survivor o sa fear factor. Gusto ko lang maglakbay. Mas pipiliin ko pa ngang maglakad ng ilang kilometro at mapagod kesa gumamit ng sasakyan at mahilo at sumuka. Yung pagod tulog lang katapat niyan pero ang hilo na may suka, tumatagal yan sa akin ng ilang araw. Badtrip!
     This is it. This is the moment. Aalis na kami. I must ready myself. Alam ko naman kasing susuka ako sa sasakyan kahit anong pagpapanggap ang gawin ko. At kahit ilang bonamine ang laklakin ko alam kong balewala lang ang mga ito. Candy daw katapat, sige lang. Bumili ako ng isang balot ng Max para may mangatngat at mapaniwala ko ang sarili kong hindi ako mahihilo at hindi ako magkakalat ng suka sa loob ng sasakyan.
     Whoa on the first 3 hours ng biyahe, hindi pa ako masyadong nahihilo at hindi ko pa nararamdamang bumabaligtad na ang sikmura ko. Ayos to. Its a miracle! Thank thee to the Lord! (praise and worship). Pero alam kong hindi pa ako dapat magpaparty kasi hinding-hindi ko malilimutan ang daanang ito bago kami makapasok sa Luisiana. Ito yung way na pinakakinaiinisan ko. Badtrip. Tuwing dadaan kami dito pakiramdam ko nasa roller coaster ako. Kung ikaw nasa kalagayan ko maiintindihan mo rin sinasabi ko. Yung daanang parang intestine. Zigzag. Tapos taas-baba pa. Ang gulo. Kakahilo. Hindi lang yan. Makitid yung daan niya. Tama lang para sa dalawang sasakyan. Ang matindi pa, bangin yung nasa gilid. San ka pa. Kung gusto mo maranasan kung paano malagay sa bingit ng kamatayan nang hindi mo na kailangan laslasin pulso mo o magbigti o tumalon sa building, tawagin mo ako ihahatid kita sa lugar na yun pero hindi kita sasamahan.
     Alam ko namang hindi ako makakaligtas sa pagbaliktad ng sikmura ko kaya niready ko na ang sarili ko. Pero habang nasa biyahe ako naisip ko meron kayang training para hindi mahilo. Pero yung gusto kong training ay yung tipong hindi rin ako mahihilo. haha so impossible!
     Akala ko hindi na ako susuka pero dahil sa pesteng mala-bitukang daan na yun, kamuntik-muntik na akong magkalat. Tama ka sa nabasa mo. Muntik lang. Hindi natuloy yung pagsusuka ko. Pero nararamdaman ko nang nasa lalamunan ko na ung kinain ko. Mabuti na lang at napakiusapan ko. Nagmakaawa ako sa kanya na wag na lumabas kasi nakakahiya. Tinunggaan ko ng isang boteng tubig, ayos. Bumalik sa tiyan ko ang nagbabadyang kahihiyan. haha.
     Sa wakas nakarating din kami. Hindi man ako sumuka heto naman ako’t lupaypay. Alam ko namang kahit itulog ko to wala ring mangyayari at kahit ilang kape pa ang lagukin ko, mas lalo lang akong hindi makaktaulog sa gabi. Eff! Ang hirap talaga bumiyahe. :))
Advertisements