Tags

     Today is the second week of my community immersion. As usual late ako. Sabi kasi ng mga groupmates ko meet up daw namin sa airport ng Benilde at exactly 8:00am. Well dumating naman ako dun 10 minutes after nga lang. Akala ko kasi hindi seryoso yung call time e. Pagdating ko dun wala sila so akala ko ulit wala pa talaga sila kaya nagcomputer muna ako at bumalik after 30 minutes. Wala pa rin sila so I have decided to go to the immersion area alone buti na lang nakita so Chris at least my kasama ako. Dahil sa maling akala, yun I was dead.
     We started the tutoring session at maybe 9:30am. That was our first day to teach the students (‘coz last week was just for the get-to-know thingy). So far, mababait pa rin yung mga bata pero super likot. Hindi ko rin naman masisisi, bata e! Nagdaan din naman ako diyan. I just always remember that “patience is a virtue!”. 
     Of course, God first before anything else. We prayed to God to make our discussion successful and to make sure that the kids will understand what we are about to teach. We divided them according to their grade level so that we could focus to only one topic base on how the subject appeal to them. The kindergartens were assigned to Romeo, the first grade to Rob, the second grades to Cha and Calvin, third grades to Chris, fourth grades to Michael and Anthony and the fifth grades to your honor. 
     Simula pa lang magulo na ang mga kinder. Si Romeo ba naman ang magturo e. Hindi ko alam kung ano tinuturo ni Romeo sa mga yun pero mukha naman nag-eenjoy yung mga bata. Actually nga siya ang may pinakamaraming audience e. Kung anu-ano kasi pinaggagagawa e pero patok naman sa mga bata kaya yun nakahagilap ng maraming makukulit na bata kahit hindi na talaga kasama sa tutor sessions. Ayaw naman naming paalisin so sige join na sila dun. Tulad ng sabi ko kanina sila ang may pinakamagulong grupo. Bigla bigla naming naririnig kumakanta yung mga bata kasama si Romeo ng “May Bukas Pa” at maya maya pa’y sumayaw ng…nakalimutan ko e! At pagkatapos ayun wala ng nangyari. Nagsimula na ang kaguluhan sa area at ang pioneers, ang mga kinder!
 
     Although I was a peer tutor, I was also assigned to document the scenario. So to do that, I just gave exercises to my student (he’s only one), like creating a multiplication table, for me to take candid shots to the group. Well, ang sarap turuan ng mga bata. Lalo na pagnakukuha nila ng tama ‘coz that only means they have understood what we have discussed. Yun nga lang ang sarap turuan ng mga students ng mga groupmates ko. Hindi yung sa akin, bakit? Yung tinuturo kasi nila mga addition and subtraction. E yung  sa akin, perimeters, area and volume. What??? Pero sa tingin ko magaling din naman yung tinuturuan ko kasi kahit papaano nakakasunod siya. He just need more emphasis on multiplication kasi medyo mabagal siya pagdating dun at kadalasan pa ng mga sagot niya sa tanong ko about multiplication ay semplang. Actually from spatials figures, we go down to multiplication to practice his mathematical skills. So I asked him to create a multiplication table so that I could grab a chance to take some photos. Mas gusto ko naman maging photographer kesa teacher so pinagawa ko ung table from 1 til 10. Hindi rin ata kinaya nung bata at baka nainis din sa akin. Sabi niya uwi daw muna siya to “answer the call of nature”. Ang hinayupak bumalik kung kelan paalis na kami. Pero okay lang at least easy mode ako habang yung mga kagroup ko tumatagaktak ang pawis. 
     Shots here. Shots there. Akala ko ang sarap ng buhay ko. Maya-maya nalowbat din ako kasabay ng pagkalowbat ng camera ko. Mas nauna pa nga ata akong naknockout kesa sa mga groupmates ko na ayaw tantanan ng mga bata e. Pero okay lang. Nakikita ko namang natututo yung mga bata sa kanila and at the same time nag-eenjoy. And I think thats the sign of having a good impact to the unfortunates. 
     Sympre hindi naman pwedeng puro aral na lang. At 11:00am we started to rest from being a teacher to being a child like them. Laro dito. Laro doon. May kanya-kanya silang mga gimik. Ako wala. Mas gusto ko matulog kesa makipaglaro sa kanila. Bawi na lang ako next time. Napagod talaga ako e (kakapicture? lol). Dahil mga bata pa yun, madali silang utuin pero hindi sila madaling patahimikin. Kapag tumambling yung isa, tatumbling na ang lahat. Kapag nagpabuhat ang isa, magpapabuhat na ang lahat. Hayy bata ka nga! May nalaman din akong mga bagong laro sa kanila at parang gusto ko rin laruin pag-uwi ko ng bahay. “Apple apple apple kiss, apple apple kiss, apple kiss!” With matching hand gestures pa yan. Clap for apple and compress fingers for kiss. Ang kyut! Meron pa. “Meron meron meron merong LANGAW!” sabay palo sa noo mo. Ang sarap ipang trip nito. Sympre hindi mawawala ang magic. Magic dito ni Calvin, Magic doon ni Cha. At dahil walang kamalay-malay ang mga bata, paniwalang-paniwala sila as if mga magikero talaga yung kaharap nila. Mga tulala kapag nakakakita ng magic. Nag-iisip kung paano nagawa yun. Pero sure akong kung matatanda mga kaharap nito, baka katako-takot na “boooo” ang matanggap nila. 
     11:30 am. Palowbat na ang lahat pero ang mga bata, parang fully charge pa rin kahit two and a half hour na silang  babad sa kakulitan. Grabe I can’t compare the energy. Sana ganun din yung sa akin kasi “More energy, mas happy!”. Bakit parang bumagal yung oras ng mga panahong iyon. Ang tagal mag-12pm. Parang 1 hour yung katumbas ng 30 minutes kong inaantay. 15 minutes remaining nakatayo na ako with my bag hang on. Ready na talaga ako umalis. Pray pa pala. Pray. Pray. Pray! Thank God! Yahoo!!! At last, nakalaya!

(For more pictures click the link below!)
Other Photos taken
=)

Advertisements