Do Not Eat The Food

    I remember this line, ‘Do not eat the food’, during my Religion subject with Dr. Maningas (he is a very good teacher, believe me!) when we were discussing the origin of Christian Morality. This line was part of the message given by St. Paul to Pagan and Jews. He said,

“It is not wrong to eat the food offered to idols. However, if you know that eating the foods offered to idols will make your brothers and sisters be scandalized, FOR THE SAKE OF CHARITY, ‘DO NOT EAT THE FOOD!’” 

         While my teacher is discussing this, I don’t know why but an idea popped up on my mind.That the concept and message given by St. Paul is very applicable to our current situation. That Pagans, in someways, can be compared to those who are selfish, self-centered, and egoistic while the Jews are those who are subjects of complaining everything without doing anything for change. Hmmm.

     The story of Christian Morality goes like this. During the Period of Apostles there were two kinds of  Christianity: The Pagans who were turned to Christians and the Jews who were also baptized to Christians. The Pagans before becoming Christians believed that nature was their Gods: The oceans, the forest, the sun and everything. They worship those things by conducting rituals and by offering foods. The foods offered to their Idols (the Gods) were also eaten by the people because they believed that no one will really take it and will just get rotten and spoiled.

     On the other hand, the Jews, same with the Pagans, also offer rituals and foods. The only difference was that the Jews never ate the foods offered to their Idols. According to Jews belief, it was a sign of respect. It symbolizes authority and sovereignty.  Foods for the Idols are meant for the Idols  and not to anybody else.

     This indifference made Christianity in early period at a big stake. Whenever they offer foods to their Gods, the Pagans ate it for the same reason as mentioned. This made the Jews protested on the behavior of Pagans. Just protested but never moved.

     After discussing I realized and asked if when will be the time wherein St.Paul will go down the Earth and go to the Philippines and say the same message he had given to the Christians? When will he be here right by our sides and start pointing out those contemporary Pagans that are soon to be executed. Ferocious? Maybe, but they deserve it.  When he will be here and dress down the modern Jews that protesting is not enough to change things everyone  wanted to see?

     Greediness is present in all society. The main thing we have to do is to make sure that it will not dominates us. And that we should avoid it. To the “Pagans”, when you will realize that because of what you are doing, everyone suffers? And what you are doing is nothing but a sin? And to the “Jews”, do not just voiced it out. Make a move. Walk your talk!

     To you, do not just read this, understand it!!! And please… DO NOT EAT THE FOOD!!!
 

 

  

 

   

Community Service: Week 2

     Today is the second week of my community immersion. As usual late ako. Sabi kasi ng mga groupmates ko meet up daw namin sa airport ng Benilde at exactly 8:00am. Well dumating naman ako dun 10 minutes after nga lang. Akala ko kasi hindi seryoso yung call time e. Pagdating ko dun wala sila so akala ko ulit wala pa talaga sila kaya nagcomputer muna ako at bumalik after 30 minutes. Wala pa rin sila so I have decided to go to the immersion area alone buti na lang nakita so Chris at least my kasama ako. Dahil sa maling akala, yun I was dead.
     We started the tutoring session at maybe 9:30am. That was our first day to teach the students (‘coz last week was just for the get-to-know thingy). So far, mababait pa rin yung mga bata pero super likot. Hindi ko rin naman masisisi, bata e! Nagdaan din naman ako diyan. I just always remember that “patience is a virtue!”. 
     Of course, God first before anything else. We prayed to God to make our discussion successful and to make sure that the kids will understand what we are about to teach. We divided them according to their grade level so that we could focus to only one topic base on how the subject appeal to them. The kindergartens were assigned to Romeo, the first grade to Rob, the second grades to Cha and Calvin, third grades to Chris, fourth grades to Michael and Anthony and the fifth grades to your honor. 
     Simula pa lang magulo na ang mga kinder. Si Romeo ba naman ang magturo e. Hindi ko alam kung ano tinuturo ni Romeo sa mga yun pero mukha naman nag-eenjoy yung mga bata. Actually nga siya ang may pinakamaraming audience e. Kung anu-ano kasi pinaggagagawa e pero patok naman sa mga bata kaya yun nakahagilap ng maraming makukulit na bata kahit hindi na talaga kasama sa tutor sessions. Ayaw naman naming paalisin so sige join na sila dun. Tulad ng sabi ko kanina sila ang may pinakamagulong grupo. Bigla bigla naming naririnig kumakanta yung mga bata kasama si Romeo ng “May Bukas Pa” at maya maya pa’y sumayaw ng…nakalimutan ko e! At pagkatapos ayun wala ng nangyari. Nagsimula na ang kaguluhan sa area at ang pioneers, ang mga kinder!
 
     Although I was a peer tutor, I was also assigned to document the scenario. So to do that, I just gave exercises to my student (he’s only one), like creating a multiplication table, for me to take candid shots to the group. Well, ang sarap turuan ng mga bata. Lalo na pagnakukuha nila ng tama ‘coz that only means they have understood what we have discussed. Yun nga lang ang sarap turuan ng mga students ng mga groupmates ko. Hindi yung sa akin, bakit? Yung tinuturo kasi nila mga addition and subtraction. E yung  sa akin, perimeters, area and volume. What??? Pero sa tingin ko magaling din naman yung tinuturuan ko kasi kahit papaano nakakasunod siya. He just need more emphasis on multiplication kasi medyo mabagal siya pagdating dun at kadalasan pa ng mga sagot niya sa tanong ko about multiplication ay semplang. Actually from spatials figures, we go down to multiplication to practice his mathematical skills. So I asked him to create a multiplication table so that I could grab a chance to take some photos. Mas gusto ko naman maging photographer kesa teacher so pinagawa ko ung table from 1 til 10. Hindi rin ata kinaya nung bata at baka nainis din sa akin. Sabi niya uwi daw muna siya to “answer the call of nature”. Ang hinayupak bumalik kung kelan paalis na kami. Pero okay lang at least easy mode ako habang yung mga kagroup ko tumatagaktak ang pawis. 
     Shots here. Shots there. Akala ko ang sarap ng buhay ko. Maya-maya nalowbat din ako kasabay ng pagkalowbat ng camera ko. Mas nauna pa nga ata akong naknockout kesa sa mga groupmates ko na ayaw tantanan ng mga bata e. Pero okay lang. Nakikita ko namang natututo yung mga bata sa kanila and at the same time nag-eenjoy. And I think thats the sign of having a good impact to the unfortunates. 
     Sympre hindi naman pwedeng puro aral na lang. At 11:00am we started to rest from being a teacher to being a child like them. Laro dito. Laro doon. May kanya-kanya silang mga gimik. Ako wala. Mas gusto ko matulog kesa makipaglaro sa kanila. Bawi na lang ako next time. Napagod talaga ako e (kakapicture? lol). Dahil mga bata pa yun, madali silang utuin pero hindi sila madaling patahimikin. Kapag tumambling yung isa, tatumbling na ang lahat. Kapag nagpabuhat ang isa, magpapabuhat na ang lahat. Hayy bata ka nga! May nalaman din akong mga bagong laro sa kanila at parang gusto ko rin laruin pag-uwi ko ng bahay. “Apple apple apple kiss, apple apple kiss, apple kiss!” With matching hand gestures pa yan. Clap for apple and compress fingers for kiss. Ang kyut! Meron pa. “Meron meron meron merong LANGAW!” sabay palo sa noo mo. Ang sarap ipang trip nito. Sympre hindi mawawala ang magic. Magic dito ni Calvin, Magic doon ni Cha. At dahil walang kamalay-malay ang mga bata, paniwalang-paniwala sila as if mga magikero talaga yung kaharap nila. Mga tulala kapag nakakakita ng magic. Nag-iisip kung paano nagawa yun. Pero sure akong kung matatanda mga kaharap nito, baka katako-takot na “boooo” ang matanggap nila. 
     11:30 am. Palowbat na ang lahat pero ang mga bata, parang fully charge pa rin kahit two and a half hour na silang  babad sa kakulitan. Grabe I can’t compare the energy. Sana ganun din yung sa akin kasi “More energy, mas happy!”. Bakit parang bumagal yung oras ng mga panahong iyon. Ang tagal mag-12pm. Parang 1 hour yung katumbas ng 30 minutes kong inaantay. 15 minutes remaining nakatayo na ako with my bag hang on. Ready na talaga ako umalis. Pray pa pala. Pray. Pray. Pray! Thank God! Yahoo!!! At last, nakalaya!

(For more pictures click the link below!)
Other Photos taken
=)

Kailan Ka Kikilos?

     Kanina ang presentation ng mga projects naman sa Filipino. Dito rin malalaman kung mae-exempt ba kami o hindi sa midterm exam namen sa Monday. Its a rush project. Sanay tayo diyan.  Nagbunga naman ng maganda ang nagawa naming proyekto. Yahoo! Wala na akong midterm exam. Wala na rin akong problema! Salamat sa mga kagrupo ko.

     Project man ito o hindi, ibinuhos ko ang lahat ng gusto kong iparating sa project na ito. Proud ako dahil nabuo ko ang konseptong ito. Kasama ng aking mga kagrupo nakabuo kami ng magandang resulta. Sana magustuhan niyo rin!

KAILAN KA KIKILOS?

     “Malayo pa ang umaga. Hindi matanay ang pag-asa. Hanggang kailan matitiis ang paghihirap ko. At sa gabi’y hinahanap ang pag-asa na walang hanggan. Kailan ba darating ang bukas para sa akin?” Nasaan na nga ba ang umaga? Ang bukas? Ang bagong pag-asa? Hindi ko makita ang liwanag na hinahanap ko. Ang araw na matagal ko nang nais masilayan. Bakit ako nandito? Walang makita. Walang maaninag. Bulag na ba ako o sandyang hindi ko lang maimulat ang mga mata ko?

     Nabuhay na ako noon. Nabuhay sa isang masaganang paraiso. Lugar kung saan lahat ng tao tahimik na namumuhay. Payapa naming inaalagaan ang yaman ng bayang ito. Walang problema. Kung mayroon man siguro’y madali naming nalulutas ang mga suliraning ito. Dahil na rin sa mga magagaling naming pinuno, natuto kaming magkapit-bisig at unawain ang isa’t isa. Isa pa pinangangalagaan namin ang pangalan ng lugar na ito. Ayaw naming madungisan ang magandang impresyong ipinamana sa amin ng aming mga ninuno. Hindi nga maipagkakailang mahal namin ang lugar na ito. Mahal ko ang bayang ito. Dito ako lumaki, natuto at nakilala. Ibinahagi niya sa akin ang tunay na diwa ng mundong ito. Ang tunay na dahilan ng hiram na buhay kong ito. Ngunit lingid sa aking kaalama’y magmumula rin pala rito ang hanging magdadala sa akin sa madilim na kwebang ito.

      Bakit nga ba nagkaganito? Ang lugar na una ko ng nasilaya’y bakit napuno ng kasamaan, ng kasakiman, ng kawalanghiyaan? Iba na nga ngayon ang bayang kinamulatan ko. Matagal na panahon na rin noong huli akong nakatapak sa lugar na ito. Gusto kong lumibot. Gusto kong makita ang bayang ko sa panahon ng pagbabago.
      Tinahak ko ang daang kinatatayuan ko. Sa gilid nito ay hindi nawawala ang mga bahay na gawa sa bulok na yero at pinagtagpi-tagping piraso ng kahoy. Nakita ko rin ang madudusing na tao suot ang mga punit na damit na animo’y basurang gamit na gamit. Hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang mga batang hubo’t hubad na naglalaro sa gilid ng maruming estero. Napakadelikado pero balewala  lang sa kanila ang mga ito. Nakasanayan na nila siguro pero ang tiyak ko na hindi mawawala dito ay ang panganib na dulot ng maruming lugar na iyon. Hindi lang iyan, sa sobrang karumihan ng pasilyong ito, tiyak na binahayan na ito ng mga mikrobyo. Kawawang mga bata. Hindi na kasiyahan ang dulot ng kanilang paglalaro kundi isang malagim na kapahamakan.
     Sinuyod ko pa ang kahabaan ng lansangang iyon. Habang papalayo ako ay lalong lumalala ang mga kondisyong nakikita ko. “Palimos po,palimos po.” Ito ang mga katagang naririnig ko. Mga matatandang inabanduna na ng kanilang mga pamilya, mga batang kinalakhan na ang basura. Nakaupo sa sulok ng kalsada, madusing at payat. Ito ang mga komong karakter na nakikita ko. Ang masakit pa, may mga musmos pa silang mga kasama. Bata pa ang mga ito pero bakit pinagkaitan na sila ng mga biyayang maaaring matamo?Ang iba pa nga’y pinandidirian, itinataboy at tinuturing na parang mga hayop. Ikinakahiya na animo’y salot ng bayang ito. Pinagkakaitan pa ng kaunting tulong  na kanilang hinihingi. Kawawang bata. Kaawa-awa.


     Hindi alintana ang tunog ng orasan, naabot ko ang dulo ng esterong aking tinahak. Doon ko nasilayan ang mga kalakalan na sa gabi lamang ang kaganapan. Mga binatang sumisingot ng droga at dalagitang dangal ang ibinibenta, mistulang palabas lang sa telebisyon na hindo mo aakalaing makatotohanan. sana sa mga oras na iyon ay naroon sa kanilang silid upang aralin ang mga tuntunin at gawin ang mga takdang-gawain. Kawawang mga kabataan hindi man lang nila naranasan ang saya na dulot ng pag-aaral.

     Habang masakit kong pinagmamasadan ang malupit na realidad na ito, dahan-dahang nagtanong ang aking mga labi sa mundo. Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ka nagkaganito? Ang mayayama’y tila nakahiga na sa pera pero bakit ang mahihirap ay halos mabaon na sa lupa mo? Sa mga taong itinalaga mo para gabayan ang mga anak mo, anong ginagawa nila ngayon? Bakit sila nagpapakasarap sa kanilang pwesto habang ang karamiha’y nagpapakahirap sa kanilang mga siphayo? Ang mga taong inaasahan ng mga kababayan kong ito, bakit hindi man lang sila tumayo sa kanilang pagkakaupo upang makita man lang nila ang tunay na kalagayn ng mga taong ito? Bakit hindi nila subukang iabot ang kanilang mga kamay para sagipin ang malungkot na realidad na ito? Bakit hindi nila ipagkaloob ang kanilang mga balikat upang may masandalan sa panahong nagsusumigaw ang luha sa mga mugtong mata ng mga taong ito?

     Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ayon kay Rizal. Ito ba ang tinutukoy na mag-aahon sa matinding kahirapan kung mismong ang kanilang mga sarili ay hindi kayang matulungan? Bata ka pa. May magagawa ka pa. Huwag nating hayaang manatili ang ganitong uri ng pamumuhay. Hindi sa mga taong nasa itaas nakadepende ang ating buhay. Huwag na tayong umasang may magandang kalooban na sasamahan tayo sa guhit ng ating kapalaran. Maraming paraan. Maraming mabuting paraan.

     May mga paa ka para tumayo sa sakit na ito ng lipunan. May mga kamay ka na hahawak sa iyong kapalaran. May mga labi ka na maghahatid ng iyong nararamdaman. May mga tainga ka na makikinig sa dalamhati ng iyong mga kasamahan. At may mga mata ka upang masulyapang muli ang kinabukasan.

     Tayo ang gumagawa ng aklat ng ating buhay. Huwag sana nating hayaang magtapos ito sa isang malungkot na kaganapan. Hindi man natin maabot ang buhay na ating inaasam, maipapakita naman natin sa mundong may  nananatiling liwanag sa kadiliman. Huwag na nating isisi sa kanila kung bakit ka nagkaganyan sapagkat sila’y  mga bulag sa  mga katulad natin. Sila’y mga bingi sa ating mga hinaing at sila’y mga manhid sa sakit na nararanasan natin. Tumayo ka mula sa pagkakadapa hanggat makayanan mong tumakbo at tumalon sa hiwaga ng buhay sapagkat hindi magtatagal ay makalilipad ka sa hangganan ng kalangitan.